⬆︎

 

 

 

EN


KR


ES


PT-BR


FR


DE


RU


AR - Soon


FIL - ⟟


ID


 

HANAPIN ANG KORONA


Malapit mo din itong hangarin

  ♕  

 

-

————— * GABAY & TRAIL




Tala: Ang mga imahe ay maglalaman ng mga URLs.

mga account & karakter * —————

  Kanon  

  plataporma    twitter/x
  username    @hf_dreamcatcher
  deskripsyon ng tungkulin   ANG ARG(ALTERNATE REALITY GAME) NA ITO AY BASE SA KANILANG NALALAPIT NA MUSIC RELEASE. ANG DREAMCATCHER AY KILALA DAHIL SA DARK/HEAVY NA MGA KUWENTONG PINAPAKITA SA KANILANG MGA MUSIC VIDEO NA INILALABAS BILANG MGA SERYO O MGA TRILOHIYA.


  plataporma    twitter/x
  username    @ymenehcra99
  deskripsyon ng tungkulin  
PANGUNAHING KARAKTER NA IPINAKILALA MULA SA TWEET/POST SA OPISYAL NA ACCOUNT NG DREAMCATCHER.


  plataporma    twitter/x
  username    @9mynameis_1
  deskripsyon ng tungkulin  
PANGALAWANG KARAKTER. MUTUAL FOLLOWING NI YMENEHCRA99.


  plataporma    youtube
  username    @ymenehcra99
  deskripsyon ng tungkulin    youtube account ni ymenehcra99


MGA CLUE AT PALAISIPAN * —————

Pagkakasunod-sunod(o sinubukan ko lamang).

*Napatunayang kanon/konektado sa kuwento.

SIMULA - TRAILHEAD (UNANG TRAIL)

Ang video ay pinost/na-tweet mula sa account ng Dreamcatcher.Ang video na ito ay nakatulong sa amin upang mahanap ang account ng ating unang karakter: ymenehcra99

Natuklasan namin na si ymenehcra99 ay nag tweet ng mga serye ng pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod

Oct 12th/Ika-12 ng Oktubre

아 이건 또 뭐임; 유튜브도 이러더니 이건 또 언제 만들어진거?Pagsasalin: “Ano ito? Pati YouTube ganito din, kailan ito ginawa?”

하.. 진짜 소름돋는다고.... 도대체 너 누구세요?;; 보고 있으면 대답해Pagsasalin: “Ha.. Talagang nakakatakot ito… Sino ka ba?;; kung gusto mo ako makita sagutin mo ako.”.


Oct 13th/Ika-13 ng Oktubre


Oct 14th/Ika-14 ng Oktubre

Korean:얼마 전부터 저는 이상한 일들을 겪고 있습니다. 이 이상한 종이를 주운 후부터 모든 일이 시작되었습니다. 이 종이에 대해 알고계시거나 저와 같은 일을 겪으신 분들은 저에게 DM부탁드립니다.9월 9일, 제 생일파티가 끝난 후의 일이었습니다. 친구들과 함께 놀고 집에 오는 길에서 우연히 이 봉투가 바닥에 떨어져 있는 것을 보게 되었습니다. 안에 무언가 들어있어서 궁금하기도 했고 취하기도 했던 터라 종이를 주워 봉투 안의 내용을 확인하였습니다. 확인한 이후부터의 다음날 아침까지의기억이 제게는 없습니다. 너무 과음해서 필름이 끊긴 것으로 생각했던 저는 대수롭지 않게 넘어갔습니다. 그리고 그날부터 저는 기억이 한번씩 사라지기 시작했습니다. 그 기억이 사라졌을 때, 저는 제가 모르는 이상한 행동들을 하게 됩니다. 가족이나 지인들이 그때 왜 그랬냐는 식으로 물어본 적이있긴 했지만 기억이 없었기에 무슨 소리 하는 건지 알아들을 수 없었고 내가 잊어버렸나보다 하고 단순하게 넘어갔습니다. 하지만 며칠 전 저는 유튜브에 들어가고 이상한 아이디로 로그인된 것을 발견합니다. 제가 만든 적이 없는 처음 보는 아이디였습니다. 심지어는 트위터도 새로운 계정으로로그인되어 있었습니다. 지금 트윗을 올리고 있는 이 계정이 바로 그 계정입니다. 새로운 계정이 생기는 것들쯤이야 별거 아니니 그냥 넘어갈 수 있습니다. 하지만 어제 트위터에 들어와 보니 이상한 사진이 하나 올라와 있었고 휴대폰을 해킹당한 줄 알고 놀란 채로 친구들에게 고민을 토로했습니다.친구들은 일단 무서우니 사진부터 삭제하라고 하여 삭제하였습니다. 그러나 오늘 다시 들어와 보니 같은 사진이 또 올라와 있었습니다. 아무튼 친구들은 요새 들어 제가 다른 사람 같았다며 친구가 그리던 왕관 그림을 찢기도 또 모르는 사람 가방에 붙어있는 왕관키링을 떼간 적도 있다고 하였습니다.제가 이렇게 공격적인 행동을 하였다는 것이 너무 무섭게 느껴졌고 저는 해결책을 찾고 싶었습니다. 하지만 이상하게도 그때부터 왕관을 찾게 되면 모든 것이 해결될 것이라는 확신이 머릿속을 떠나지 않습니다. 제발 제가 왕관을 찾을 수 있도록 도와주세요. RT 부탁드립니다.

 Pagsasalin:Medyo matagal na rin akong may nararanasang mga kakaibang pangyayari. Ang mga bagay na ito ay nagsimula nang pulutin ko ang kakaibang piraso ng papel na ito. Kung mayroon sa inyo ang may alam tungkol sa papel na ito o nakaranas din ng mga katulad nito, pakiusap at i-DM niyo ako.Ito ay nangyari matapos ang aking kaarawan noong ika-9 ng Septiyembre. Noong ako ay pauwi matapos sumama sa aking mga kaibigan, nagkataon na nakita ko ang sobreng ito sa sahig. Na-curious ako at ako rin ay may impluwensya ng alcohol at nakita ko na may nakalagay sa loob, kaya pinulot ko ito at tinignan ang nilalaman ng sobre.Wala akong maalala na tinignan ko ito, kahit sa sumunod na umaga. Wala akong maalala. Akala ko ay dahil naparami lang ako ng nainom, pero wala akong pakialam. At matapos ang araw na iyon, nagsimulang maglaho ang aking alaala. Pag nawala ang alaala na iyon, ako ay nakakagawa ng mga kakaibang bagay na hindi ko alam. Ang pamilya ko at mga kakilala ay nagtatanong kung bakit ko nagawa yon.Ginawa ko ito, pero hindi ko maalala, kaya hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi nila, at nag-move on na lang ako, nagtataka kung nakalimutan ko ba. Pero lumipas ang ilang araw, nagpunta ako sa YouTube at nakita ko na may naka log-in na kakaibang ID. Noon ko lamang nakita ang ID na hindi ko ginawa. Kahit ang twitter ko ay may bagong account.Ako ay naka log in. Ang account na ito na ginagamit ko sa pag-tweet ang tinutukoy ko. Hindi naman malaking bagay na magkaroon ng bagong account, kaya pwede akong mag move on. Pero, noong nagpunta ako sa Twitter kahapon, may nakita akong kakaibang larawan at ako ay nagulat nahack ang aking phone, at sinabi ko sa aking mga kaibigan ang aking mga naranasan.Sinabihan ako ng mga kaibigan ko na burahin ang picture nung una kasi natatakot sila. Pero nung bumalik ulit ako ngayon, ang parehong larawan ay nakapost na ulit. Sinabi ng mga kaibigan ko na para daw akong ibang tao nitong mga nakaraang araw, at tinanggal ko daw yung crown key ring na nakakabit sa bag ng ibang tao na hindi konaman nalalaman.Sobrang nakakatakot na ako ay agresibong kumikilos, at gusto kong makahanap ng solusyon. Pero nakakapagtaka, tila hindi ako mapapayapa hangga’t hindi ko nahahanap ang koronang iyon at masolusyonan ito lahat. Pakiusap tulungan niyo akong hanapin ang korona. RT please (TL note: can also be translated to “pakiusap i-RT niyo.”).

 Pagsasalin ng Liham:Paalala para sa lahat ng makakabasa nito:
※ Ang mga habilin na ito ay isang nakalagdang paalala para sa mga susunod na henerasyon.
※ Mag-ingat. ????? ay maaaring magdulot ng pananakit sa isa’t-isa at may kakayahang mang-akit. Alalahanin ito.
※ Matapos basahin ng maigi ang dokumentong ito, sunugin ito sa lugar kung saan hindi ka makikita ng korona. Huwag paniniwalaan ang lahat.
1.Ito ay kayamanan at karangalan. Ito ay isang mapanganib na bagay na may hawak na kapangyarihan. Huwag subukang hanapin ang korona ng walang pag-iingat.
2.Sa sandalling makarinig ng kahit anong may kaugnayan sa korona, ikalat ang tungkol dito sa iba.3.Matapos ang isang linggo mula nang marinig ang istorya, may bibisita sa iyo bago mag madaling araw. Huwag bubuksan ang pinto, isipin mo ang iyong pamilya.4.Pag hindi mo binuksan ang pinto, makikita mo ang mukha sa labas ng bintana/pinto.5.Pigilan ang mga naghahangad sa korono.
(Transl note: Dahil ang sulat ay nalukot at sinunog, ang unang parte ay maaring ang nakasulat ay “Huwag pipigilan.”)
6.Huwag mag-hintay sa mga umalis.


Oct 16th/Ika-16 ng Oktubre


Oct 20th/Ika-20 ng Oktubre

  panibagong karakter  

Si 9mynameis_1 ay ipinakilala.

9mynameis1
Tweet: @ymenehcra99
ㅎㅇ 나임
Pagsasalin: “Hoy. Ako ito.”ymenehcra99
Reply: 방금 맞팔 했으
Pagsasalin: “Nag-follow ako sayo.”

Si 9mynameis1 ay nag-iwan ng sagot sa imaheng may kuneho at dartboard.

9mynameis1
Tweet: 이게 그 너가 말한거??
Pagsasalin: “Ito ba yung tinutukoy mo??”ymenehcra99
Reply: 이거는 삭제 안해봤는데 밑에 보면 사진 또 있는게 그거야.. 삭제해도 또 똑같이 올라왔다는 그거
Pagsasalin: “Hindi ko pa sinubukang burahin ito, pero sa ilalim nito mayroon pang isang larawan… kahit burahin ko yun, bumabalik lang.”

Si 9mynameis1 ay nag-reply sa imahe na may kamay na tinutukoy ni ymenehcra99 sa naunang tweet/post.

??????
야..이건 좀 무서운데??? 사진 보자마자 소름돋음ㄷㄷ
Pagsasalin: "Whoa.. medyo nakakatakot na ito??? Nanlamig agad ako nang makita ko ang larawan."


Si ymenehcra99 ay nagsabi pa tungkol sa kaniyang mga karanasan.

요즘 매일 같은 꿈을 꾸고 있다. 새빨간 레드카펫을 밟고 계단을 오르는…Pagsasalin: “Nitong mga nakaraang araw pareho ang napapanaginipan ko. Lumalakad ako sa pulang carpet, umaakyar sa hagdanan…”

철창, 인형, 다트판, 레드카펫, 그리고 왕관…
도대체 무슨 관련이 있는 것일까
Pagsasalin: “Kulungan, manika, dartboard, pulang carpet at corona.. Anong kinalaman ng mga ito?”

혹시 최근 들어 왕관에 대한 이상한 집착이 생기신 분들이 있다면 DM 부탁드립니다. RT도 부탁드립니다.Pagsasalin: “Kung may iba pang nakaranas ng kakaibang pagkahumaling sa mga korona, pakiusap mag-send kayo sa akin ng DM. Pakiusap i-RT niyo din.”

TALA: Ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, dito ay nag tweet na ang opisyal na account ng Dreamcatcher na may link papunta sa video ni ymenehcra na pinapakitang nakatanggap ito ng mensahe..


Oct 21st/Ika-21 ng Oktubre

지금 이게 먼일이지,,,Pagsasalin: "Anong nangyayari ngayon..."

왜 갑자기 다들 저를 팔로우하시는지는 모르겠지만 트친이 해줬던 말도 그렇고 지금 이 상황도 그렇고 다 너무 무섭네요
플텍 걸겠습니다.
Pagsasalin: “Hindi ko alam kung bakit bigla kayo nag-follow sa akin, pero natatakot ako sa sinabi ng kapwa ko sa kung anong nangyayari ngayon. Ilo-lock ko na ang account ko. ”

Ginawang pribado ni 9mynameis1 ang kaniyang account at nanahimik.


Nag-simulang sumagot si ymenehcra99 sa ibang mga tao.

ymenehcra99
Tweet ni ymenehcra99, naisalin: Kung may iba pang nakaranas ng kakaibang pagkahumaling sa mga korona, pakiusap mag-send kayo sa akin ng DM. Pakiusap i-RT niyo din.
Dayb_Dayd
"DM 답장 부탁드려요"
Pagsasalin: “Pakusap mag-reply ka sa DM ko.”
ymenehcra99
안녕하세요. 현재 DM이 너무 많이 와서 하나하나 답변 드릴 수 없는 상태입니다. 저와 비슷한 경험을 하셨다는 분들 위주로 답변 드리겠습니다.
Pagsasalin: “Hi. Masyadong madaming DMs, kaya hindi ako makakasagot sa lahat. Sasagot lang ako sa mga may parehong karanasan. ”

Zeevaier
Hey who are you
Pagsasalin: Hoy Sino ka?ymenehcra99
저도 잘 모르겠습니다. 이 영상을 올린 기억이 제게는 없습니다. 제 기억이 사라졌을 때 올라온 영상인 것 같습니다.
Pagsasalin: “Hindi rin ako sigurado. Hindi ko maalala na pinost ko ang video na ito. Sa tingin ko ito ang video na in-upload noong nawala ang alaala ko. ”

많은 분들께서 관심을 표해주신 덕분에 왕관을 찾을 수 있을 것만 같은 기분이 드네요. DM 확인 후, 저와 같은 경험을 공유하신 분이 계시다면 다시 트윗 올리도록 하겠습니다.Pagsasalin: “Pakiramdam ko ay mahahanap ko na ang korona dahil sa interes ng maraming tao. Pagkatapos kong mag basa ng mga DM, muli akong mag-tweet pag may nagbahagi pa ng parehong karanasan.”


Oct 22nd/Ika-22 ng Oktubre

Si ymenehcra99 naman ay nagreply sa ilang DMs at karamihan sa kaniyang mga sagot ay magkaka-pareho

Pagsasalin:Audience/Manlalaro
Hello, nananaginip ako ng kakaiba
ymenehcra99
Maaari mo bang ipaliwanag ng detalyado kung ano ang nangyari?

Pagsasalin:Audience/Manlalaro
Alam ko kung saan mo mahahanap ang korona
ymenehcra99
Paano mo nalaman kung saan ito mahahanap?

Pagsasalin:Audience/Manlalaro
Hello ?
Kailangan mo sunugin ang tala na iyan na may tanawin ng korona
Pero hindi ka pwedeng magsuot ng korona nang walang pahintulot dahil ikaw ay may obsesyon.
ymenehcra99
Si tingin ko ay mas lalo akong mapapahamak pag sinunog ko ang papel.


  LIVE na kaganapan  

Ang grupo na Dreamcatcher ay nagkaroon ng fan meeting at nakakita ang mga fans ng kuneho na manika sa venue at may nakadikit na QR code.

Nang i-scan ang QR code ay nag-bukas ito ng YouTube video at natuklasan na YT account ito ni ymenehcra99. Ito ay na-upload noong Oct 17th/ika-17 ng Oktubre. (Tala: Ang petsa ng pag-upload ay maaaring walang kinalaman sa kuwento.)

Sa video ay may ilang mga clues.

At isang nakatagong clue pa lamang ang natuklasan sa ngayon.Pagsasalin: Pumunta sa tindahan sa oras ng 9PM sa ika-27 ng Oktubre.

  bagong plataporma at account  

Ang YT account ni ymenehcra99 ay nagbigay pa ng ilang mga clue, dahil nag-iwan ito ng ilang mga komento sa maraming channels at video. Karamihan ng mga ito ay nasa YT channel ng Dreamcatcher..Mayroong 7 na mensahe, maaaring tignan ang mga video para sa mga clue.

Cr: kazeni_san

Pagsasalin: Naniniwala ka ba sa kapangyarihan ng korona? Sundan ang marka ng corona kung naniniwala ka dito.
 

Pagsasalin: Magiging perpekto lamang ang korona kapag ang puting carpet ay naging pula.
 
 

Pagsasalin: Gusto mo bang sumali sa amin? Ang lugar na ito ay puno na ng mga tao! Mayroong higit na siyamnapung tao ang magkakasama. Kailangan natin mag-madali. Wala na masyadong oras!

Pagsasalin: Sa sandaling ilagay ko ito sa aking ulo, nasa akin na ang lahat. Siguradong ako ay naligtas sa aking panaginip.
 

Pagsasalin: Nakapirma sa Diyos, hinaharap niya ang mga apoy araw-araw. Nakakita ako ng ibang mundo, nakaramdam ng hindi kilalang kapangyarihan sa sumasabog na mga apoy. (TL note: unsure about this whole part but I just translated it to what kind of makes sense.)
 

Pagsasalin: Ito ay nakasulat sa lumilipad na papel! Kailangan mong gumawa ng malaking desisyon para ito ay makuha, pero sa oras na makuha mo ito, isang bagong mundo ang mag-bubukas!
 

Pagsasalin: Ako ang bahala? Hindi, tanging ang korona lang ang makakapag-pasya sa tadhana.


Oct 23rd/Ika-23 ng Oktubre

Patuloy na nag-iwan ng kaparehong mga komento si ymenehcra sa livestream at mga video ng Dreamcatcher.


Oct 24th/Ika-24 ng Oktubre

Pagsasalin:Audience/Manlalaro
Mayroon bang pumunta sa iyong pintuan?
ymenehcra99
Paano mo nalaman? Naranasan mo na din ba ito?

Pagsasalin:Audience/Manlalaro
Binukas mo ba ang pinto?
ymenehcra99
Hindi ko pa ito binubuksan.


Oct 25th/Ika-25th ng Oktubre

보내주신 모든 DM을 확인했습니다. 수많은 DM이 왔지만 제가 올린 트윗을 읽고 따라 하시거나 장난치려는 분들이 대부분이네요... 여러분들에게는 제가 겪은 일들이 아무것도 아닐지 모르겠지만 저에게 있어 왕관을 찾는 일이 매우 중요한 일이라는 점 알아주시고 장난은 삼가해주시길 부탁드립니다.Pagsasalin: "Nabasa ko na ang lahat ng DM na sinend niyo. Nakatanggap ako ng maraming DM, pero karamihan ay binasa at sinundan lang ang mga tweet ko o pinaglalaruan lang ako... Maaaring wala lang sa inyo ang mga pinagdaanan ko, pero pakiusap intindihin niyo na ang paghanap sa korona ay napakahalaga para sa akin, pakiusap iwasan ang pagbibiro."

공통적으로 말씀 주시는 부분에 대해 말씀드립니다.
1. 왕관을 찾으신 분은 왕관 사진을, 왕관에 대한 집착이 생기신 분은 구체적인 상황을 보내주세요.
2. 문 밖에 누군가 찾아왔을 때 문을 열어보신 분은 어떤 일이 벌어졌는지 알려주세요.
3. 제게 생긴 이상한 계정은 트위터와 유튜브뿐입니다.
Pagsasalin:"Gusto ko magbigay ng anunsyo para sa lahat ng kumausap sa akin.
1.Kapag nakahanap ka ng korona, i-send mo sa akin ang larawan ng korona, at kapag ikaw ay nahumaling sa korona, i-send mo sa akin ang espesipikong kalagayan mo.
2. Kung sino man ang nagbukas ng pinto kapag mayroong lumabas, nakikiusap ako na sabihin sa akin kung ano ang nangyari.
3. Ang mga kakaibang account na aking nagawa ay ang Twitter at YouTube."

그리고 함부로 왕관을 찾으려 하지 말라고 적혀있는데 왜 왕관을 찾으려고 하느냐는 질문을 많이 주시는데요. 저는 종이에 반드시 맞는 말만 적혀있다고는 생각하지 않습니다. 종이를 주운 지 일주일이 한참 지났음에도 아직까지 매일 누군가가 찾아오고 있다는 것이 그 증거입니다.Pagsasalin: "Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit ko sinusubukan na hanapin ang korona kahit nakasulat na hindi ito dapat hanapin ng basta-basta. Hindi ako naniniwala na tama ang mga nakasaulat sa papel na iyon. Ang pruweba ko ay lumipas na ang isang linggo mula nang pulutin ko ang papel, pero araw-araw parin may pumupunta para hanapin ako."

Pagkatapos nito ay gumawa si ymenehcra99 ng isang poll para mapagdesisyunan ang kaniyang sunod na aksyon.

매일같이 찾아와 문을 두드리는 누군가 때문에 너무 힘이 듭니다. 이제는 환청인가 싶은 생각도 듭니다. 저를 돕고자 하시는 분들의 의견을 한번 들어보고 싶습니다. 투표 결과에 따라 내일 아침이 오기 전 어떻게 할지 결정하도록 하겠습니다.1.문을 열어준다
2: 문을 열어주지 않는다
Pagsasalin: Ang hirap dahil araw-araw may pumupunta at kumakatok sa pintuan ko. Nagtataka na ako na baka guni-guni ko lamang. Gusto ko marinig ang mga taong gusto akong tulungan. Magdedesisyon ako bago mag madaling araw, depende sa resulta ng botohan.Boto:
1. Buksan ang pinto
2. Huwag buksan ang pinto

Natapos ang poll sa desisyon na: Buksan ang pinto.Lumipas ang ilang oras, si ymenehcra ay nag-tweet muli.

여러분의 의견대로 오늘은 누군가가 문을 두드리자마자 문을 열어보았습니다. 밖에 사람은 존재하지 않았습니다. 오직 이 종이만이 떨어져 있었을 뿐... 이번에도 왕관과 관련된 종이였습니다. 왜 계속 제 주변에서 이런 종이가 발견되는 것일까요? 도대체 누가 이 종이를 놓고 가는 것일까요?Pagsasalin: Gaya nga ng sinabi ng lahat, may kumatok sa aking pinto at binuksan ko ito. Ngunit, walang tao doon at itong papel na ito lang... Ngayon naman ay isang papel na may kinalaman sa korona. Bakit patuloy kong nadidiskubre ang mga papel na ito at sino ang nag-iiwan sa mga ito?"

Pagsasalin:Hello? Sa oras na mabasa mo ito, malamang ay naging maswerteng tao na ako.Lahat ay ninanais ang pera at kapangyarihan, at isang marangyang buhay na walang hanggan.
At malapit ko nang makamit iyon.
Sayang naman kung ako lang ang makakaalam sa maalamat na koronang ito, kaya naman isinusulat ko ito.
Sana marami sa inyo ang makatanggap sa sulat na ito. Ang lugar na aking narating ay mayroon ding ibang mga tao na pumunta para hanapin ang korona.
Pero para silang natutulog, kaya tahimik akong naglalakad. Parang nandito sila para sa korona.
Patuloy akong maglalakad habang ang iba ay natutulog.
Teka, bakit nga ba ako nandito, ah, nandito ako para sa korona.Sa sandaling isuot mo ang korona, nabalitaan ko na may bagong mundong magbubukas,at pakiramdam mo ay lumilipad ka sa langit.
Para bangang korona na ito ang magliligtas sa akin. Pero hindi ko ito gusto- Gusto ko ang korona.
Pero gusto ko nang umuwi. Nakikita ko ang korona sa malayo. Ayoko umuwi.
Gustong gusto ko na isuot ang korona. Sandali. Hindi mo naman gusto ang korona, hindi ba? Naniniwala ako na hindi (gusto mo ba ito?)
Mali yan...Hindi ko ito gusto... (Ibang tao...)Gusto ko...hindi? Hindi ko ito gusto.Sa tingin ko ay mas mabuting tumigil na. Huwag nang magbasa pa. Hindi ko ito sulat. Hindi. Sulat ko ito. Maaari kang pumasok. Ayaw mo ba sa akin? Ako ay kumikinang. Magiging masaya ka sa buhay na walang hanggan kapag nakuha mo ako.
Pumunta ka sa akin. Pupunta ka sa akin, diba?
Pumunta ka sa akin. Hinihintay kita.
Hello? Sa oras na mabasa mo ito, malamang ikaw ay naging maswerteng tao na."


Oct 26th/Ika-26 ng Oktubre

Pagsasalin:Audience/Manlalaro
Sa video na nakapost sa account mo, yung text caller ay naka-save bilang isang korona, hindi regular na number. Hindi ba ito galing sa kakilala mo? O hindi mo ba cell phone yan?
ymenehcra99
Ang video na 'yan ay na-upload noong hindi ko maalala kaya hindi ko alam. Walang naka-save bilang korona sa aking cell phone sa ngayon.


Oct 27th/Ika-27 ng Oktubre

Nag-perform ang Dreamcatcher sa Changwon K-Pop World Festival.

Pagkatapos mag-perform ng Dreamcatcher, nag-tweet muli si ymenehcra99.

Nang pumatak ang 9PM KST, gaya ng nakatagong mensahe na aming nakuha sa C video na nagmula sa QR Code na nakadikit sa kuneho, pumunta kami sa opisyal na store ng Dreamcatcher at nadiskubre namin ang bagong produkto.

본 이미지는 상품의 이해를 돕기 위한 예시로, 실제 상품과 다를 수 있습니다.
본 제품은 ID당 최대 1개까지 구매가 가능합니다.
99개 한정판 굿즈이기 때문에 거울이 깨진 채로 배송을 받는 경우를 제외하고는 어떠한 사유로도 환불은 불가합니다.
경미한 스크래치 및 프린팅 불량은 문 앞에 찾아온 누군가의 소행일 수 있으므로 교환은 불가합니다.
상품명은 완벽한 왕관이 그려진 거울이라고 표기되어 있으나,
아직 완벽한 왕관이 아닌 상태라는 점을 알려드립니다.
당신이 99번째 행운아가 되길 바라겠습니다/언젠가 도움이 될 수 있으니 항상 소지하여주시기 바랍니다.
정체 모를 물건이 동봉될 수 있습니다. 조심히 개봉해주시길 당부 드립니다.

Pagsasalin:"Ang larawang ito ay isang halimbawa para makatulong upang maintindihan mo ang produkto at maaaring ito ay maiba sa aktwal na produkto.
Maaari kang makabili ng hanggang isang unit ng produktong ito bawat ID.
Dahil ito ay isang limitadong edisyon na item ay mayroon lamang 99 na magagamit, ang pag-refund ay hindi pinapayagan sa ano mang pagkakataon, maliban na lamang kung ang salamin ay dumating na sira o may sira.
Ang maliliit na gasgas at depekto sa pag-print ay maaaring maiugnay sa pumunta sa pintuan at hindi ito maaaring palitan.
Kahit ang produktong ito ay tinawag na "Salamin na may Perpektong Korona.", mangyaring malaman na ito ay hindi pa perpektong korona.
Sana ikaw ang maswerteng ika-99 na tao. Maaaring ito ay makatulong sayo balang araw, kaya pakiusap lagi mo itong dalhin.
Maging maingat dahil maaaring may kasamang hindi malaman na item sa loob ng package. Buksan ito ng dahan-dahan.

Tala: Ang logo ng Dreamcatcher Company ay wala dapat kasamang pusa.

Ang unidentified item na tinutukoy ay hindi pa namin alam kung ano ito.


Oct 28th/Ika-28 ng Oktubre

Isang bagong tweet ang ipinost ni ymenehcra99.

여러분들이 보내주신 링크 도대체 뭐죠? C컴퍼니가 지난번 문밖에서 주운 종이에 있던 것과 똑같은 왕관이 그려진 거울을 만들어 판매하던데 이게 무슨 일인지 모르겠습니다.Pagsasalin: "Ano yung link na pinadala niyo sa akin? Gumagawa at nagbebenta ng koronang katulad nung nasa papel na pinulot ko sa labas ng aking pintuan noong nakaraan, ngunit hindi ko alam kung tungkol saan ito."

Muling sumagot sa mga DM si ymenehcra99.

Pagsasalin:Audience/Manlalaro
Nagawa mo bang makabili ng isa?
ymenehcra99
Hindi. Nalaman ko lang na nagbebenta pala sila ng mga salamin.

Pagsasalin:Audence/Manlalaro
Ano ang alam mo tungkol sa Company C?
ymenehcra99
Sila ay isa sa pinaka-mahusay na design company sa mundo at ito din ang aking pinapangarap na kumpanya.


Oct 30th/Ika-30 ng Oktubre

Isang misteroyosong larawan ang muling in-upload ni ymenehcra99.


Oct 31st/Ika-31 ng Oktubre

Inanunsyo ng Dreamcatcher (드림캐쳐) ang kanilang ika-9 na Mini Album at ang mga importanteng petsa.


November 2nd/Ika-2 ng Nobiyembre

Ang produktong 'Mirror with a perfect crown' o 'Salamin na may perpektong korona' ay dumating.Ang package o pakete ay naglalaman ng salamin, isang dart at isang sulat.

Hinahanap mo ba ang kasagutan?
Ang dakilang korona ay nangangailangan ng malaking sakripisyo.
Ang lahat ng sagot ay nasa ating mga ulo.


Ang post para sa impormasyon sa pre-order ng 9th Mini Album ng Dreamcatcher.

"Yakapin ang kadiliman, sapagkat sa mga anino nito'y, aking matatagpuan ang aking tunay na pagkabighani. Kung sabagay, ang lahat ng obra maestra ay nangangailangan ng kasamaan, hindi ba?"- Mula kay Cp.s Nawa'y maligtas ako ng ibang desisyon sa isa pang mundo.


9PM KST

오늘 학교에서 이상한 일이 있었습니다. 제 친구가 자랑할 게 있다면서 가방을 뒤지더니 무언가를 보여주었습니다. 친구가 꺼낸 것은 C컴퍼니에서 만든 그 거울이었습니다. 제 기억은 거기까지입니다. 그러니까, 거울을 본 이후부터의 기억은 없고 정신을 차려보니 집이었습니다. 심지어 제 것도 아닌거울을 손에 꼭 쥐고 있었기에 친구에게 전화해 자초지종을 물어보았습니다. 친구는 제가 거울을 본 순간부터 표정이 변하더니 거울을 줄 때까지 친구를 괴롭히고 내껀데 네가 왜 갖고 있냐며 소리를 지르고 친구를 마구 꼬집었다고 합니다. 트위터에 일일이 쓰지 않아서 그렇지 이런 일들은 제 일상속에서 비일비재하게 일어나고 있습니다. 거울을 빼앗긴 친구도 이제 연락하지 말자며 더는 친구로 지낼 수 없겠다고 합니다. 이 친구뿐만 아니라 다른 사람들도 제 돌발적인 행동에 하나둘 떠나고 있습니다. 더는 친구를 잃고 싶지 않습니다. 왕관을 찾아 빨리 이 모든 일들을 해결하고 싶습니다.Pagsasalin: "May kakaibang nangyari sa iskwelahan ngayon. Sabi ng kaibigan ko mayroon daw silang ipagyayabang, kaya naman hinanap niya ito sa kanyang bag at ipinakita sa akin. Ang inilabas ng kaibigan ko ay ang salamin na gawa ng C Company. Doon na natapos ang alaala ko. Ang ibig kong sabihin, mula nung tumingin ako sa salamin wala na akong maalala, pero nung namalayan ko ay nasa bahay na ako. Dahil hawak ko ng mahigpit sa aking kamay ang salamin na hindi naman sa akin, tinawag ko ang kaibigan ko at tinanong kung ano ang nangyayari. Sabi ng kaibigan ko na nagbago daw ang aking mukha mula nung tumingin ako sa salamin, at binu-bully ko daw ang kaibigan ko hanggang sa ibigay niya sa akin ang salamin. Sinigawan ko ang kaibigan ko, habang tinatanong kung bakit nasa kanya ito kahit ito ay sa akin, at sinimulan kong kurutin ang kaibigan ko. Hindi ko ipino-post ang lahat sa Twitter, pero ang mga ito ay ang aking araw-araw na buhay.Palagi na itong nangyayari. Yung kaibigan ko na inagawan ko ng salamin ay sinabihan din ako na huwag na silang kontakin at hindi na kami maaaring maging magkaibigan. Hindi lang itong kaibigan na ito, pero isa-isa na din umaalis ang iba dahil sa ugali kong hindi nila inaasahan. Ayoko na mawalan pa ng kaibigan. Gusto ko nang mahanap agad ang korona at resolbahin ang lahat ng mga isyung ito."


November 5th/Ika-5 ng Nobiyembre


November 6th/Ika-6 ng Nobiyembre

Bandang 5:30PM KST, si ymenehcra ay nagsimula ulit magreply sa twitter, ang unang post ay ang sagot niya sa kaniyang sariling tweet noong nakaraan

어떻게 이런 일이... 제 꿈에 계속해서 나오던 레드카펫이 바로 이 레드카펫입니다!Pagsasalin: "Paano nangyari ito? Ito 'yung carpet na palaging lumalabas sa mga panaginip ko!"

Matapos nito ay inilarawan niya kung ano pa ang mga naalala sa kaniyang mga panaginip.

계단만 오르다 끝났던 꿈이라고 생각했는데 사진을 보니 흐릿하게 기억이 나는 것 같습니다. 매일 레드카펫의 계단을 오르는 꿈을 꾸던 저는 어느 시점부터 조금 다른 꿈을 꾸기 시작했습니다. 끝이 없는 레드카펫 위에서 누군가를 피해 도망치고 또 도망치는 꿈이었습니다.그러던 어느 날, 레드카펫의 끝이 보이기 시작했습니다. 그 끝에는 왕관이 놓여있었습니다. 그곳에서 벗어나고 싶던 저는 허겁지겁 왕관에게 달려갔습니다. 차가운 왕관에 손이 닿자, 순간적으로 눈앞이 빛으로 가득 차며 레드카펫 위에 사람들의 환영이 보였습니다.잘 보이진 않았지만, 잔인하게 싸우고 있던 사람들을 본 것 같습니다. 그리고 희미하게 "너도 우리와 같아질 거야"라는 말도 들려왔던 것 같습니다. 그렇게 저는 꿈에서 깨어났습니다. 그 이후로는 다시는 그 꿈을 꾸지 않았었는데....이곳은 실재하는 곳인 걸까요? 어떻게 꿈에서의 장소가 이렇게 사진으로 남을 수가 있는 걸까요?Pagsasalin: "Akala ko ay panaginip lang ito na natapos sa pag-akyat lamang sa hagdan, pero nung tinitignan ko yung larawan, parang naaalala ko ito ng bahagya. Napanaginipan ko na naglalakad ako paakyat sa hagdan na may pulang carpet araw-araw, pero sa isang punto ay nagsimula akong magkaroon ng medyo kakaibang mga panaginip. Ito ay panaganip kung saan may tinatakbuhan akong ibang tao sa walang katapusan na pulang carpet.""Tapos isang araw, ang dulo ng pulang carpet ay nagsimulang magpakita. May korona sa dulo. Gusto kong lumayo doon, kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa korona. Nang hawakan ko ang malamig na korona, ang mga mata ko ay agad napuno ng liwanag at nakakita ako ng mga pangitain ng mga tao na nasa pulang carpet.""Hindi ko ito masyadong nakita, ngunit sa tingin ko ay nakakita ako ng mga tao na brutal na nakikipaglaban. At sa tingin ko ay narinig ko ng mahina, "Magiging katulad ka din namin." Kaya't nagising ako mula sa aking panaginip. Matapos 'non ay hindi ko na ito muling napanaginipan...""Ito ba ay tunay na lugar? Paano nakuhaan ng larawan ang isang lugar sa panaginip?"


Pagpatak ng 6PM KST, ipinakita ng Dreamcatcher ang unang teaser images para sa kanilang bagong comeback.


Nov 7th/Ika-7 ng Nobiyembre


Nov 8th/Ika-8 ng Nobiyembre


Nov 9th/Ika-9 ng Nobiyembre

Bandang 9M KST, isang bagong larawan ang na-post sa twitter ni ymenehcra.


Nov 10th/Ika-10 ng Nobiyembre

Bandang 12AM KST, nagsulat muli ng tweet si ymenehcra.

이제 막학기이고 정말 취업도 빨리 해야 하는데 기억을 잃는 빈도수가 점점 늘고 있는 것 같아 너무 걱정됩니다. 면접 중에 또 기억을 잃고 이상한 행동을 하진 않을지... 병원에서는 아무 이상 없다고만 하고... 왕관을 찾는 것 외에 어떠한 해결책도 존재하지 않는 것 같아 더 답답하네요.Pagsasalin: "Huling semestre na at kailangan ko na talaga humanap ng trabaho, pero nag-aalala talaga ako dahil nadadagdagan ang pagkawala ng alaala ko. Iniisip ko kung mawawala nanaman ang alaala ko habang nasa interview... Sabi ng ospital ay wala naman daw mali... Mas nakakainis dahil parang walang ibang soluson kung hindi hanapin ang korona."


Bandang 6PM KST, Inilabas ng Dreamcatcher ang listahan ng mga kanta para sa kanilang bagong mini album VillainS.


Nov 11th/Ika-11 ng Nobiyembre

Bandang 6PM KST, si ymenehcra ay muling nag tweet ng isa nanamang larawan.

Ang sulat na "swallow me(lunukin mo ako" na nakabaliktad ay makikita sa larawan.


Nov 12th/Ika-12 ng Nobiyembre

조금 전, 이상한 경험을 했습니다. 지금까지는 제가 기억을 완전히 잃으며 이상한 행동을 했다면, 오늘은 제가 기억도 잃지 않았고 정신마저 온전한 채로 그 일이 벌어졌습니다. 단순히 편의점에 가려고 폰도 챙기지 않은 채로 나온 외출이었습니다.평소처럼 횡단보도 앞에서 신호를 기다리던 그때, 눈앞에 그 왕관이 그려진 트럭이 지나갔습니다. 거울에도, 편지에도 그려져 있던 바로 그 왕관이었습니다. 왕관 때문이었던 건지 갑작스럽게 트럭을 따라가야겠다는 참을 수 없는 충동에 휩싸이기 시작했습니다. 저는 달릴 수 있는 한 최대한 빠르게달려 트럭을 따라가기 시작했습니다. 어느 순간 힘이 빠져 도저히 트럭을 따라잡을 수 없겠다는 생각이 들었을 때마다 이상하게도 트럭도 자연스레 속도를 늦추어 제가 따라잡을 수 있게끔 했다는 생각이 이제서야 드네요. 덕분에 저는 계속해서 트럭을 쫓아가게 되었습니다. 그러다 저는 문득다른 차의 경적 소리에 정신을 차리고 제가 차도 한가운데에 서 있다는 것을 깨달았습니다. 고개를 들어 주변을 둘러보니 이미 트럭은 사라진 상태였습니다. 다행히 주변에서 도움을 주셔서 저는 곧바로 집으로 들어올 수 있었고 이렇게 트윗을 작성 중입니다.트럭을 끝까지 따라갔다면 저는 어떻게 되었을까요? 그리고 그 트럭은 무엇이었을까요? 앞으로는 또 어떤 이상한 일이 벌어질지... 두려울 뿐입니다.Pagsasalin: "Kanina lamang, mayroon akong kakaibang karanasan. Hanggang ngayon, tuluyan nang nawala ang aking alaala at kakaiba ang kinilos ko, pero ngayon nangyari ito nang hindi nawala ang alaala ko at buo pa ang isip ko. Lumabas ako nang hindi man lang kinuha ang telepono ko at simpleng pumunta lamang sa tindahan.Habang hinihintay ko ang signal para sa tawiran, isang truck na may koronang nakapinta ang dumaan sa harap ko. Ito ay ang parehong korona na nakapinta sa salamin at sa sulat. Marahil ito ay dahil sa korona, pero bigla akong nagkaroon ng hindi malabanan na kagustuhang sundan ang truck. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makakaya ko.Tumakbo ako at sinimulang sundan ang truck. Nakapagtataka nga lang, sa tuwing pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng lakas at hindi na kayang makahabol sa truck, sumagi sa isip kong natural na babagal din ang truck para ako ay makahabol. Ito ang nagtulak sa akin para patuloy na habulin ang truck. Nang biglang-Ang busina ng isang kotse ang gumising sa akin at napagtanto ko na ako pala ay nasa gitna ng kalsada. Nang lumingon ako pataas at paikot, wala na ang truck. Buti na lang, salamat sa mga taong nasa paligid ko, nakauwi ako kaagad at isinusulat ang tweet na ito.Ano kaya ang mangyayari sa akin kung nasundan ko ang truck hanggang sa huli? At ano kaya ang truck na iyon? Natatakot na lang ako sa mga kakaibang bagay na pwede pa mangyari sa akin."


Nov 13th/Ika-13 ng Nobiyembre

Bandang 9PM KST, isa muling larawan ang iti-nweet ni ymenehcra.

Ang sulat na "I know your mind (Alam ko kung ano ang isip mo)" ay makikitang nakabaliktad sa larawan.


November 14th/Ika-14 ng Nobiyembre

저번에 트럭을 따라갔던 후로 저는 집에서 계속 나가지 않고 있습니다. 집에서 계속 컴퓨터 했다가 폰도 잠깐 만졌다가를 반복하다 보니 조금 지루하다는 생각이 들었습니다. 그때 저에게 이상한 전화가 걸려 왔습니다. 전화를 받기 전부터 번호가 000-OOTD로 뜨길래 요새 광고 전화는 영어로 전화번호설정을 해둘 수도 있는 건지 의구심을 품으며 받은 전화였습니다. 괜히 또 이상한 일에 휘말리는 건 아닐지 걱정도 되었지만 심심하기도 했고 혹시나 왕관에 대한 이야기를 들려줄 수 있지 않을까 하는 생각도 스쳐 지나가자, 전화를 받아야겠다는 생각이 머릿속에 가득 찼습니다. 상대 쪽에선 어떠한이야기도 하지 않는 듯 하였지만 곧이어 알 수 없는 소리를 내고선 전화를 끊어버렸습니다. 별일 아닌 걸 수도 있겠지만 음성을 듣자마자 소름이 쫙 돋기도 했고 괜히 찜찜해서 다시 전화를 걸어보려 했지만 통화목록에는 아무것도 없었습니다. 다행히 자동으로 통화 녹음이 되게끔 설정해 두었던기억이 떠올랐고 정상적으로 녹음이 된 것을 확인했습니다. 이곳에 올린다고 해도 아무것도 해결되지 않을 것이란걸 잘 알고 있지만 그래도 조금이나마 마음이 편해지는 것 같아 올려봅니다.Pagsasalin: "Hindi pa ulit ako lumalabas ng bahay simula noong sinundan ko ang truck. Medyo nakaka-inip na palagi lang akong gumagamit ng kompyuter at phone sa bahay. Sa mga oras na iyon, nakatanggap ako ng misteryosong tawag sa telepono. Bago ko pa ito sagutin, naka-lagay na ang number bilang 000-OOTD, sinagot ko ito habang nagtataka kung naka-Ingles na ba ang mga numero na ginagamit para sa mga advertisement calls.Nag-aalala ako na baka madamay nanaman ako sa kakaibang bagay, pero naiinip din ako, at naisip ko din na baka maaari kong ikuwento ang istorya tungkol sa korona, at napuno ang utak ko sa pagsagot sa telepono. Tila wala naman sinasabi ang nasa kabilang linya, pero maya-maya lang ay gumawa ito ng hindi mawaring tunog at binaba ang tawag.Maaaring ito ay hindi ito malaking bagay, pero mula ng marinig ko ang boses, kinilabutan ako at hindi ako naging komportable, kaya sinubukan kong tawagan ulit, pero walang nakalagay sa call list ko.Buti na lang, naalala ko na nilagay ko ang tawag para ito ay awtomatikong ma-record at nakumpirma ko na ito ay na-record ng maayos. Alam ko na hindi ito ma-sosolusyonan ng pag-post ko dito, pero ipinost ko ito dahil tingin ko ito ang magpapagaan sa isip ko kahit kaunti."


Nov 15th/Ika-15 ng Nobiyembre

Ang sulat na "Temperature too hot to breathe(Ang temperatura ay masyadong mainit para huminga)" ay makikitang nakabaliktad sa larawan.


Bandang 6PM KST, inilabas ng Dreamcatcher ang highlight medley para sa kanilang sunod na album VillainS.


Nov 16th/Ika-16 ng Nobiyembre

Bandang 8 PM KST, ibinahagi ni ymenehcra sa Twitter ang isa nanamang kaganapan na kanyang naranasan.

집에만 있는 게 딱히 도움이 되는 것 같지 않아 어제부터 산책을 시작했습니다. 이상하게 차려입고 싶어서 예쁜 옷을 골라입고 나갔더니 괜히 자신감이 생기고 저 스스로가 빛나는 것 같았습니다. 오늘도 나갈 준비를 하는데 어떤 옷을 입을지 몇 시간 동안이나 고민하는 저를 발견했습니다. 고민 끝에밖으로 나와 동네를 돌다 한 옷 가게에서 마음에 쏙 드는 모자를 쓴 마네킹을 보게 되었습니다. 직원에게 부탁하여 그 모자를 쓰고 거울을 보니 더욱 갖고싶다는 생각이 들었습니다. 그때 마침 다른 손님이 옷 가게로 들어왔고 직원은 그 손님을 응대하러 사라졌습니다. 그때 갑자기 모자를 훔치고 싶다는 충동이 들기 시작했습니다. 직원에게 보이지 않게 고개를 숙이고 조심스럽게 문 쪽으로 향했습니다. 그러다 문에 비친 제 모습을 보게 되었습니다. 순간 지금 뭐 하고 있는 건가 하는 생각이 들어 다시 마네킹에게 모자를 씌우고 돌아왔습니다. 제가 왜 이러는 걸까요? 이것도 왕관 때문인걸까요?Pagsasalin: "Parang ang pananatili ko sa bahay ay hindi masyadong nakakatulong, kaya nagsimula akong maglakad-lakad kahapon. Nakakapagtaka na biglang gusto kong manamit, kaya pumili ako ng mga magagandang damit at lumabas, at pakiramdam ko ay confident ako at parang ako ay kumikinang. Noong naghahanda na ako para lumabas ngayon, nakita ko ang aking sarili na ilang oras pumipili kung ano ang isusuot. Lumipas ang ilang oras na pag-iisip,""Lumabas ako at naglibot sa paligid at nakakita ako ng manikin na may suot na sumbrero na nagustuhan ko sa isang tindahan ng mga damit. Nang tanungin ko ang empleyado para suotin ang sumbrero at tumingin sa salamin, mas lalo ko itong nagustuhan. Sa mga oras na iyon, may pumasok na isang kustomer sa tindahan at umalis na ang empleyado para tulungan ang kustomer. Matapos yon ay bigla akong nagkaroon ng kagusuthan na nakawin ang sumbrero.""Iniyuko ko ang aking ulo para hindi makita ng staff at dahan-dahang pumunta sa pintuan. Tapos nakita ko ang repleksyon sa pintuan. Sa saglit na iyon, nagtaka ako kung ano ang ginagawa ko at ibinalik ko ang sumbrero sa manikin. Bakit ko ito ginagawa? Dahil din ba ito sa korona?"


Bandang 11 PM KST, si ymenehcra ay nag-post ng isa muling larawan sa kanyang twitter.

Ang salitang "crown(korona)" sa iba't-ibang lenggwahe ay makikitang nakabaliktad sa larawan.


Nov 17th/Ika-17 ng Nobiyembre

Lumipas ang hatinggabi, si ymenehcra ay sumagot sa isang komento na ginawa sa huling larawan na nai-post.

Pagsasalin:Audience/Manlalaro
"BESTIE NAHANAP MO NA!!!"
ymenehcra
"Hindi ko alam. Hindi ko maalala na nahanap ko ang koronang ito... hindi, hindi ko man lang maalalang nakita ko ito. Gayunpaman, kung hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung ano ang itsura ng tunay na korona nang hindi ko pa alam kung ano itsura nito, ngayon sigurado na ako na ang korona na nandito sa larawan ay isang tunay na korona. Malapit na ba ako sa korona...?"


Isang bagong larawan ang nai-post bandang 2 PM KST.

Ilang mga tweet tungkol sa larawan na iyon ay nai-post bandang 10:30 PM KST.

오늘 올라온 사진을 보고 혹시나 해서 집안을 뒤져봤더니 처음 보는 옷과 사진 속 영수증이 옷장에 들어있었습니다. 심지어 몇 년 동안 알바비를 모아두던 통장에서도 같은 금액이 빠져나가 있었습니다. 당장 월세 낼 돈조차도 남아있지 않았습니다. 아마 기억이 사라졌을 때의 제가 산 것이겠죠.하지만 큰일 났다, 어떻게 해야 하지 하는 고민보다는이 정도 사치는 부려도 되지 않을까 하는 생각이 더 많이 드는 것 같습니다. 안 그래도 요즘 들어 왕관에 대한 생각을 계속하다 보니 왕관에 어울리는 사람이 되어야겠다, 이제 좀 화려하게 꾸미고 다녀야겠다는 생각이 절로 들던 참이었는데집에서 발견된 옷도 마음에 드는 것 같고요. 저는 어차피 곧 왕관을 가지게 될 거라는 확신도 있는데 이 정도는 뭐 괜찮을 것 같습니다.Pagsasalin: "Nang makita ko ang larawan na nai-post ngayon, nagbaka-sakali ako at naghanap sa bahay, at nakita ko sa aparador ang mga damit na hindi ko kailanpaman nakita at ang resibo na nasa larawan. Nabawas din ang kaparehong halaga sa aking bank account kung saan iniipon ko ang ilang taon na sahod ko sa part-time. Wala na rin akong pera para pang-bayad sa upa ngayon. Baka ito ay binili ko noong nawala ang aking alaala.""Gayunpaman, imbis na mag-alala kung ano ang gagawin sa isang malaking problema, tingin ko ay mas nag-aalala ako kung kakayanin ko bang mabuhay sa ganitong lebel ng karangyaan. Habang iniisip ko ang tungkol sa korona nitong mga nakaraan, iniisip ko ang pagiging isang taong karapat-dapat sa korona at magsuot ng medyo mas maluho.""At parang nagustuhan ko din yung mga damit na nahanap ko sa bahay. Sigurado naman ako na mapapasaakin na rin naman ang korona, kaya sa tingin ko ay magiging okay na ito."


Nov 18th/Ika-18 ng Nobiyembre

Bandang 1 AM KST, muling nag-post ng isang larawan si ymenehcra.

왕관의 자격을 갖춰야만해Pagsasalin: "Kailangan maging karapatdapat para sa korona."

Bandang 3 PM KST, nag-post ng mga sagot si ymenehcra sa larawan.

이 공책... 어쩐지 낯이 익은 공책이라 곰곰히 생각해보니 제 일기장인 것 같아 일기를 샅샅이 살펴보았습니다. 아니나다를까 제 일기장의 마지막 페이지에 똑같이 적혀있었습니다. 왕관의 자격을 갖춰야만 한다... 설마 왕관에 어울리는 화려한 사람이 되어야 하는걸까요?요며칠 있었던 옷에 관련된 이상한 일들도 왕관에 어울리는 사람이 되어야 하기에 벌어졌던 일이었던 거라면 모두 설명이 가능한 것 같습니다.Pagsasalin: "Itong kuwadernong ito... Parang medyo pamilyar ito, kaya pinag-isipan kong mabuti at naisip ko na baka ito ay ang aking diary, kaya hinanap ko ito sa diary. At tama nga, ang kaparehong sulat ay nakasulat din sa huling pahina ng aking diary. Kailangan mo maging karapat-dapat para sa korona... Kailangan ba talaga maging isang kaakit-akit na tao para maging karapatdapat sa korona?"Sa tingin ko ang mga kakaibang bagay na nangyayari nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa mga damit ay maipapaliwanag dahil ang mga ito ay nangyari upang maging karapatdapat akong tao para sa korona."


Bandang 9 PM KST, ilang mga tweet ang muling ipinost ni ymenehcra.

오늘은 저의 유일한 친구를 만나고 왔습니다. 오랜만에 재미있는 시간이었습니다. 그런데 별것이 아닐 수도 있겠지만 찝찝한 일이 하나 있었습니다. 친구를 만나러 가던 중 앞서가는 사람의 주머니에서 립스틱 하나가 떨어지는 것을 보게 되었습니다. 그 립스틱에는 그 왕관이 그려져 있었습니다.떨어트린 것도 모르는 것 같은데 내가 가질까 하는 생각도 잠시, 정신을 차리고 주인을 불러 립스틱을 건네주었습니다. 그러자 그 사람은 고맙다며 대뜸 손에 들고 있던 조그마한 캐리어를 제게 내밀었습니다. 괜찮다고 거절하였지만, 그 사람은 너무 고마워서 그렇다며 재차 가지라고 하는 탓에 어쩔수 없이 캐리어를 넘겨받았습니다. 약속에 살짝 늦은 감이 있어 정신없이 가느라 캐리어에 무엇이 들었는지 보지도 못했는데 친구네 집에 깜박하고 두고 온 것 같습니다. 어차피 다음 주 주말에 다시 만나기로 했으니 그 안에 무엇이 들어있는지 여러분들에게도 공유해 드리도록 하겠습니다.Pagsasalin: "Ngayong araw nag-kita kami ng kaisa-isang kaibigan ko. Ito ang kaisa-isang masayang mga oras sa loob ng mahabang panahon. Maaaring hindi ito malaking bagay, ngunit may isang bagay na bumabagabag sa akin. Habang ako ay papunta para makipag-kita sa kaibigan ko, may nakita akong lipstick na nalaglag mula sa bulsa ng taong nasa harap ko. Ang korona ay naka-guhit sa lipstick na iyon."Tingin ko hindi niya rin alam na nalaglag niya ito, pero sa mga sandaling iyon inisip ko kung itatago ko ba ito. Natauhan ako at tinawag ko ang may-ari at ibinalik sa kaniya ang lipstick. Nagpasalamat siya at binigay sa akin ang carrier na hawak niya. Tumanggi ako at sinabing okay lang, pero ang taong iyon ay sobrang nagpapasalamat at sinabihan ulit ako na kuhanin ko it, kaya napilitan ako na kuhanin na lang ang carrier.""Medyo na-huli ako sa pakikipag-kita sa aking kaibigan, at dahil sa kakamadali ko ay hindi ko na nakita kung ano ang nasa loob ng carrier, at tingin ko ay naiwan ko pa ito sa bahay ng kaibigan ko. Gayunman, plano namin magkita ulit sa susunod na weekend, kaya ibabahagi ko sa inyo kung ano ang nasa loob nito."


Isang larawan muli ang ipinost sa twitter ni ymenehcra bandang 11 PM KST.

Nakasulat sa larawang ito ang mga salitang"STEAL IT.
REMEMBER
THE STORY
TOLD BY THE MIRROR."
Pagsasalin:
"NAKAWIN MO ITO.
ALALAHANIN
ANG KWENTO
NA SINABI NG SALAMIN."


Nov 19th/Ika-19 ng Nobiyembre

Bandang hatinggabi, si yemenehcra ay sumulat ng sagot sa larawan.

거울이 한 이야기? 친구에게서 뺏었던 그 거울을 말하는 걸까요? 제가 직접 보진 못했지만, 친구가 말하기론 99번째 행운아가 된 걸 축하한다고 적혀있었다던데...Pagsasalin: "Ang kwento na sinabi ng salamin? Ibig mo bang sabihin ang salamin na kinuha ko mula sa aking kaibigan noong nakaraan? Hindi ko pa ito nakikita, pero sabi ng kaibigan ko na nakasulat dito ay congratulations sa pagiging ika-99 na masuwerteng tao..."


Bandang 1 AM KST, isang misteryosong bidyo ang in-upload sa twitter ni ymenehcra.

URL: https://x.com/ymenehcra99/status/1725906717677097032?s=20


Bandang 11 AM KST, ilang mga tweet muli ang ginawa ni ymenehcra.

조금 기묘한 꿈을 꾸었습니다. 저는 지난번 레드카펫 꿈처럼 끝이 없는 바닥 위에 서 있었습니다. 같은 방향으로 계속 걸어가자, 계단이 나왔고 저는 그 계단을 올랐습니다. 계단 위에는 왕관이 있었습니다. 저는 왕관을 잡으려 했고 순식간에 튕겨나와 계단 밑으로 떨어져 버렸습니다. 높은 곳에서떨어진 탓인지 저는 마치 누가 잡고 있는 것처럼 손끝 하나 움직일 수가 없었습니다. 그때 어디선가 사람들이 나타났고 그 사람들은 계단을 오르며 싸우기 시작했습니다. 그리고 곧 그 싸움에서 살아남은 한 명이 계단 끝까지 올라 왕관을 쓰자 그 사람은 물론, 싸우다 쓰러졌던 사람들까지 전부사라졌고 왕관의 모양도 바뀌어버렸습니다. 그리곤 다른 사람들이 나타났고 그 사람들도 서로를 해치며 단 한 명만이 왕관을 쓰게 되었습니다. 다시 왕관은 모습을 바꾸었습니다. 이 과정이 몇십번이나 반복되었을 때쯤, 왕관은 이전에 올라온 사진 속에서의 보라색 보석이 박힌 왕관이 되었습니다.이제 사람들은 더 이상 나타나지 않았고 저는 그제야 움직일 수 있다는 것을 깨달았습니다. 몸을 일으켜 계단을 올랐고 계단 위에는 왕관과 함께 일곱명의 사람들이 서있었습니다. 그 중 한명은 저에게 왕관을 씌워주었습니다. 그리곤 꿈에서 깨어났습니다. 드디어 왕관을 차지했는데 꿈이었다는 것을깨닫고 화가 많이 났었는데 이렇게 트윗을 쓰다 보니 마음이 편해지는 것 같고 좋네요. 앞으로도 종종 저의 꿈에 대한 이야기를 남겨보겠습니다.Pagsasalin: "Nagkaroon ako ng medyo kakaibang panaginip. Kagaya ng huling panaginip ko tungkol sa pulang carpet, nakatayo ako sa walang-katapusan na sahig. At habang nagpatuloy ako sa paglalakad sa isang direksyon, may nakita akong hagdanan at inakyat ko ito. May korona sa tuktok ng hagdanan. Sinubukan ko itong kuhanin pero bigla akong naitulak at nahulog sa hagdan.""Siguro dahil nahulog ako mula sa mataas na lugar, hindi ko maigalaw kahit ang isang daliri ko na para bang may humahawak sa akin. Sa mga sandaling iyon, may mga tao na sumulpot mula sa kawalan at nagsimula silang mag-laban habang sila ay umaakyat sa hagdanan. At hindi nagtagal, mayroong isang tao na nakaligtas sa laban at umakyat patunog sa tuktok ng hagdan at sinuot ang korona, at hindi lamang ang taong iyon, kundi pati na rin ang mga taong nahulog sa pakikipaglaban, ay naglaho,""at ang hugis ng korona ay nagbago din. Matapos nito ay may lumabas ulit na mga tao at sinaktan nila ang isa't-isa, hanggang sa iisang tao na lang ang nakoronahan. Muling nagbago ang hitsura ng korona. Matapos maulit-ulit ang prosesong ito nang madaming beses, ang korona ay naging ang koronang kulay lila na puno ng hiyas na tulad ng larawan na in-upload noong nakaraan.""Ngayon ang mga tao ay hindi na nagpakita at napagtanto ko na nakaka-galaw na ako. Tumayo ako at umakyat sa hagdanan, at may pitong taong may suot na korona at nakatayo sa hagdan. Kinoronahan ako ng isa sa kanila. At pagkatapos nito ay nagising na ako sa aking panaginip. Sa wakas ay nakuha ko na ang korona, at bigla kong naisip na ito pala ay isang panaginip lamang,""Galit na galit ako, pero matapos kong isulat ang tweet na ito, kumalma na ako. Madalas na akong magku-kwento tungkol sa aking mga panaginip sa mga susunod na panahon."


Bandang 6 PM KST, si ymenehcra ay muling nag-post ng isang video. Ito ay itim na screen lamang at walang makita, pero may mga kakaibang tunog na maririnig.

URL: https://x.com/ymenehcra99/status/1726163412319953359?s=20

Pag pinanood ang video gamit ang SSTV Decoder isang imahe ang ipapakita nito.

Ang mga Romanong numero na XI XXII ay makikita rin sa imahe at ito ay tumugma sa petsa para sa comeback ng Dreamcatcher sa Ika-22 ng Nobiyembre.

Ang lokasyon na ipinakita sa imahe ay isang unibersidad sa Seoul.


Bandang 9 PM KST, si ymenehcra ay muling nag-tweet.

여러분! 오랜만에 좋은 소식이 있어 여러분께 알려드립니다. 최근에 한 유명 잡지의 에디터분께서 DM으로 연락을 주셨습니다. 무려 인터뷰를 요청해 주셨답니다! 이 에디터분은 제 계정에 올라왔던 모든 이야기들을 읽어보셨고 너무 흥미로웠다고 하셨습니다. 심지어 저를 위해 선물도 준비해 주셨다고합니다. 이렇게 인터뷰 요청을 받은 건 태어나서 처음이라 어떤 옷을 입고 나가야 할지 조금 걱정이 됩니다. 그리고 한편으로는 설레이기도 하고요. 인터뷰를 하게 되면 저는 더욱더 왕관에 어울리고, 또 왕관의 자격이 있는 아주 화려한 사람이 될 것 같습니다. 이게 다 여러분들이 저의 이야기에관심을 가져주신 덕분입니다. 아마 여러분들도 곧 저의 인터뷰를 보실 수 있을 텐데요. 많은 관심과 사랑 부탁드리겠습니다.Pagsasalin: "Kayong lahat! Medyo matagal na mula noong nagbahagi ako ng magandang balita sa inyo. Kamakailan lamang, may isang editor mula sa sikat na magasin ang nakipag-usap sa akin sa DM. Nag-request talaga sila ng interview! Sabi ng editor na ito ay nabasa niya daw lahat ng istorya na ipinost ko sa account at ang mga ito daw ay nakakawili. Nag-handa pa nga sila ng regalo para sa akin.""First time kong maranasan na hingian ako ng interview na ganito, kaya medyo nag-aalala ako kung anong damit ang susuotin ko. Pero ako din ay excited. Kapag nasa interview na ako, tingin ko ay magiging isang ekstrabaganteng tao na ako na mas nagkop sa korona at karapat-dapat sa korona.""Ang lahat ng ito ay dahil sa inyong interes sa aking istorya. Marahil ay makikita mo na din ang interview ko sa lalong madaling panahon. Sana magpakita kayo ng madaming interes at pagmamahal."


Nov 20th/Ika-20 ng Nobiyembre

Bandang 11 PM KST:

안녕! 네가 99번째 행운아구나. 축하해. 혹시 지금도 왕관을 찾고 있니?Pagsasalin: "Hi! Ikaw pala ang maswerteng ika-99. Congratulations. Ikaw ba ay naghahanap pa ng korona?"

제가 지금 답을 하는 게 맞는 걸까요... 혼란스럽습니다.Pagsasalin: "Tama bang sumagot ako ngayon... nalilito ako."

그런데 왕관의 모습이 계속 바뀐다는 건, 제가 꿈에서 본 것이 맞는 걸까요? 그렇다면 결국 저는 왕관을 쓰게 되는 걸까요? 역시 왕관은 저를 선택한걸까요?Pagsasalin: "Pero ang korona at patuloy na nagbabago, ito ba ang nakita ko sa aking mga panaginip? Ito ba ay hahantong sa pagsuot ko ng korona? Ako ba ang pinili ng korona pagkatapos ng lahat?"

여러분. 방금 올라온 트윗은 제가 올린 트윗이 아닙니다. 모두 속지 마시길 바랍니다.속이려고 한 거 아니야ㅎ 내가 말해주고 싶은 건 네가 찾는 왕관의 모습은 계속 바뀐다는 것뿐. 그럼에도 불구하고 왕관의 주인은 한눈에 알아볼 수 있다고들 하지. 네가 과연 왕관을 알아볼 수 있을까?네. 제가 그토록 찾던 왕관인데 당연히 한눈에 알아볼 수 있을거라 생각합니다. 아니, 사실 지금도 이미 왕관의 모습을 알고 있습니다.그래. 그럼 왕관을 찾을 수 있는 방법을 알려줄게ㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎ 지금 당장 그것에 대한 주의사항을 태워버려.Pagsasalin: "Kayong lahat! Hindi ako ang nag-post ng tweet na kakalabas lamang. Sana ay wag kayong magpaloko.""Hindi ko kayo sinusubukang lokohin. Ang gusto ko lang sabihin ay ang hugis ng korona ay patuloy na nagbabago. Gayunpaman, sinasabing ang may-ari ng korona ang makakakilala sa korona. Kaya mo bang makilala ang korona?""Oo. Ito ang korona na matagal ko nang hinahanap, kaya siyempre tingin ko ay makikilala ko ito sa isang tingin lamang. Hindi, sa totoo lang, alam ko na ang itsura ng korona ngayon pa lang."Sige. Ipapakita ko sa'yo kung paano mahahanap ang koronaㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎ Sunugin mo ang babala tungkol dito ngayon din."

Pagsasalin:Audience/Manlalaro
"Mag-ingat!! Hindi mo pwedeng sunugin ito sa harap ng korona. Kausap mo ngayon ang korona!"
ymenehcra
"Salamat sa iyong pag-aalala. Sinubukan ko ngayon sunugin ang papel at walang nangyari. Akala ko lalabas ang korona.. Kapag may nangyaari bukas, ako ay mag-iiwan ng tweet. Sana sa pagmulat ng aking mga mata bukas ng umaga ay meron nang korona.."


Nov 21st/Ika-22 ng Nobiyembre

Bandang 11 AM KST:

그것에 대해 올리지 말 걸 그랬습니다. 괜히 이곳에 올려 너무 많은 사람들이 그것의 존재를 알아차린 것 같습니다. 사람들이 그것을 탐하면 어쩌죠?????이런 게 왜 올라와 있죠? 더 이상 읽지 마세요. 저의 글이 아니에요. 저는 단지 왕관을 찾아 모든 걸 해결하고 싶었을 뿐입니다.Pagsasalin: "Dapat pala ay hindi na ako nag-post tungkol dito. Tingin ko ay masyado na madaming tao ang nakaalam sa eksistensya ng korona dahil sa pag-post ko dito ng walang dahilan. Paano kung hangarin ito ng mga tao?""????""Bakit may naka-post na ganito? Huwag niyo nang basahin pa. Hindi ko sulat ito. Gusto ko lang hanapin ang korona at masolusyonan ang lahat."


4 PM KST:

감히 다른 사람들이 탐내게 한 것부터 잘못했던 것 같습니다. 왕관은 오직 나만의 것인데...Pagsasalin: "Sa palagay ko ay nagkamali ako na nahawaan ko ang iba sa paghahangad dito. Ang korona ay sa akin at akin lamang..."

8 PM KST:

단호히 경고하겠는데, 자꾸 저인 척 글 올리지 마세요.경고요? 저는 단지 당신이 가진 욕망을 이뤄줄 뿐인걸요. 마음속을 잘 들여다보시길 바랍니다. 이렇게 생각하고 계시지 않았나요?...
아아, 당신은 왕관이군요.
Pagsasalin: "Gusto lang kitang mahigpit na babalaan, pakiusap wag ka na mag-patuloy sa pag-post habang nag-papanggap na ikaw ay ako.Babala? Ginagawa ko lang katotohanan ang iyong mga kagustuhan. Pakiusap lang tignan mo mabuti ang loob ng iyong puso. Hindi ba't ganito din ang iniisip mo?...
Ah, ikaw pala ang korona."


Nov 22nd/Ika-22 ng Nobiyembre

12 AM KST:

이걸 y보고 계o신 여러u분도 t혹시 그u것을 찾고 계.신가요? 눈을 감고b 상상해보e세요. 반짝/이는 그것을_ 결E국 손K에 넣은 채, 새로운T 세상이 펼쳐지는 것Q을...제게로 오세C요. 우리는 이b곳에서 100번째 행운아W를 기다리a고 있겠T습니Y다.Pagsasalin: "Sa inyo(y) na(o) mga(u) pinapanood(t) ito. Hinahangad niyo(u) din ba iyon? Subukang isara(b) ang inyong mga mata at imahinahin(e). Sa pamamagitan ng makinang/ na bagay_ Sa(E) iyong mga kamay(L), isang bagong(T) mundo(Q) ang magbubukas...""Pumunta sa akin(C). Kami ay nandito(b) naghihintay para sa ika-100(a) na masuwerteng(T) tao(Y)."

YOUTUBE URL: youtube.com/watch?v=_EKTQCbWaTY

Pagsasalin:
si ymenehcra ay sumali sa chat:
ymenehcra:
Naniniwala ka ba sa kapangyarihan ng korona?
Naniniwala ka ba sa kapangyarihan ng korona?
Naniniwala ka ba sa kapangyarihan ng korona?
Shasha:
???
ymenehcra:
Sundan ang mga bakas ng korona kung naniniwala ka dito.
Sundan ang mga bakas ng korona kung naniniwala ka dito.

Siguradong ako ay naligtas sa loob ng aking panaginip.
Ang korona ay magiging perpekto
lamang kapag ang puting carpet ay naging pula.
Shasha:
Sino ka?
ymeehcra:
Ako ang bahala? Hindi, tanging ang korona lang ang makakapag-sabi ng tadhana.
Ang lugar na ito ay puno na ng mga tao!
May higit 90 na tao ang magkakasama.
Kailangan na natin magmadali.


이제 인터뷰를 할 시간이 되었습니다. 저는 인터뷰를 하러 떠나보겠습니다.Pagsasalin: "Ngayon ay oras na para sa interview. Aalis na ako para sa interview."


6 PM KST

Nilabas ng Dreamcatcher ang kanilang Music Video para sa kanilang title track 'OOTD'.

Mistulang Ipinapakita sa MV ang mga biswal na representasyon ng mga pangyayaring ibinahagi ni ymenehcra sa kanyang mga tweet, kagaya na lamang ng:
Truck na may korona.
Mga taong nag-lalaban sa isang pulang carpet.
7 na tao at ang isa sa kanila ay kinoronahan ang POV ng tao na nakikita natin.


LIVE NA KAGANAPAN

Bandang 6:30 PM KST, ang mga fans ay pumunta sa lugar ng showcase at nakita ang mga bagay na parang multo sa venue na makikita sa nakaraang tweet ni ymenehcra.

Ang mga bagay na parang multo na nakasabit sa venue ay naglalaman ng signed polaroids.


Sa pop-up store ng Dreamcatcher ay nakita din ang mga:
Isang Korona
Isang tala na may dugo
at ang diary ni ymenechra

Pagsasalin: Nangyari ito noong ika-22. Sinasabing sa mga oras daw na iyon ay paalis na ang aming empleyado sa trabaho, isang tao ang may suot na sumbrero na pabaliktad ang sumulpot at nagbigay sa amin ng misteryosong kahon, sinabi niya na kailangan namin itong ipakita sa lahat. Sa loob nito ay may korona at diary. Sa hindi malamang dahilan, naramdaman namin na kailangan namin itong ipakita sa mga InSomnia, kaya i-dinisplay namin ng ganito."

Pagsasalin:
Ika-13 ng Oktubre
Ngayon ang araw na ilalabas ang resulta ng interview, at... nabigo ako... Totoo ba ito? Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung ano ang mga sinabi ko sa interview, pero ano ba ang ginawa ko at hindi ako tinanggap? Hindi maaari iyon... Bakit ba kasi hindi ako tinanggap... Naiinis na talaga ako. Ang nakapagtataka pa ay na-log in ulit ako sa YouTube gamit ang account na iyon. Pangatlong beses na ito. Kahit binura ko na ang account ko, naka-log in ulit ako. Kahit ang twitter ay ganito din kahapon. May kakaibang picture ng mga bakal sa Twitter, kaya binura ko ito, pero nung tinignan ko ulit ngayon, na-post nanaman ito. Anyway, inisip ko na baka pati ang Twitter ay kagaya din ng YouTube na kahit burahin ko ang account, kaya iniwan ko na lang dahil naiinis ako. Ang phone ba ang problema? Bakit kaya nagkakaganito? Dahil ba talaga ito sa pagpulot ko sa papel na iyon? Sa palagay ko hindi ko na dapat burahin ang kahit ano na nai-post. Kung mahahanap ko lang ang korona, ang lahat ay malulutas..."

Buod:
Mula 9/15 sa diary, si ymenehcra ay magaling sa eskwelahan, at sinabi ng kanyang propesor na irerekomenda siya sa magandang kumpanya, gamit ang kanyang mga grado + ang rekomendasyon ng propesor, sinabing makakapasa siya sa interview ng madalian! Gusto niya makakuha ng karanasan sa trabaho ng mabilis at subukan mag-apply sa kanyang pinapangarap na kumpanya, 'ang C company', at bumawi sa kanyang mga magulang.
Dahil sa korona, si ymenehcra ay hindi natanggap sa kaniyang interview.

Buod:
Mula 11/18 sa diary, sinabi ni ymenehcra ay nakipagkita siya sa kaniyang 'twitter mutual', at ang mutual na ito ay ang kaniyang natatanging kaibigan ngayon.
Ito ang araw na sila ay nagsaya at naiwan ang maleta sa bahay ng kaniyang mutual.
Magkikita ulit sila sa susunod na linggo, at sasabihin ni ymenehcra na dalhin ang maleta sa kanya kapag sila ay nagkita na.
Ang diary sa kabuuan ay isa pang pagsasalaysay ng mga pangyayari na sinabi sa kanyang mga tweet.


Ang mga fans ay binigyan din ng espesyal na keyring

Pagsasalin:
Lahat ay nabubuhay sa tukso. Ano ang pipiliin mo? Kung ginawa mo din ang pinili ni ymenehcra99, ipakita mo ito sa counter staff.
Pagkatapos nito ay bibigyan ka ng keyring:


LIVE NA KAGANAPAN

Nov 24th/Ika-24 ng Nobiyembre

Sa isa nanamang fanmeeting, ang mga fans ay binigyan ng attendance card.

Ang huling linya at tungkol muli sa korona:
Handa ka na din ba maging kontrabida? Kung oo, mag-order ng korona.

Nagawa itong i-decode ng mga fans sa pamamagitan ng mga coordinates na humantong sa isang cafe na tinatawag na:
Mailroom Sindang

Kapag ikaw ay umorder ng korona sa cafe na iyon, ikaw ay bibigyan ng isang USB.Sa loob ay mahahanap mo ang isang txt file + isang mp3 file na may numero.TXT File: "Nahanap mo ito dahil ikaw ay mapalad, siya lamang ay minalas. Tandaan na lahat ng tao ay maaaring maging target. Gumawa ng responsableng desisyon sa mga alon ng tukso."

Nadiskubre din ng mga fans na may 7 na audio files (Ang Dreamcatcher ay isang girl group na binubuo ng 7 na miyembro)1 to 7.mp3 sa loob ng USB ay naglalaman ng hiwa-hiwalay na pag-uusap sa pagitan ng mga miyembro ng 'Dreamcatcher'.

Jiu: Ngayon, lahat ay magtipon, kung susundin mo ang mga tagubiling... Kailangan na lang natin ng isa pang tao, hindi ba?Handong: Tama, siya(ymenehcra99) ay nagsuot ng korona sa interview niya kanina, kaya ang kailangan na lang nating gawin ay hanapin ang huling ika-100.Gahyeon: Tapusin natin ito ng mabilis ngayon. Hindi gumana sa ika-99 na biktima ang telepono, at natagalan ito dahil nakatago ito sa ilalim ng aking mga kagustuhan.SuA: Okay. Sa totoo lang ang truck ay medyo matagumpay, pero sino ang pumindot ng busina ng kotse? Talaga?Siyeon: Okay lang ~ Tapos na ito. Pero paano ka magde-desiyon sa huling biktima?JiU: Kailangan nating pumili mula sa ating mga tagasunod. Medyo mapag-panggap ang OOTD ng taong ito at tingin ko okay lang. Ang ID ng taong ito ay... Shasha?Dami: Kaya, dahil ang truck ang pinaka mabisa para sa ika-99 na biktima, gawin natin muli ang truck.SuA: Pero, kung tatawagin natin siya at makumpleto ang korona, sino sa ating 7 ang makakakuha nito?Dami: Sandali lang, siyempre ako, diba? Kahit sa unang impresyon ako ang pinakamaganda.Siyeon: NOOOO? Hindi mo ba alam na ako ang nakaakit ng maraming tao? Hoy, umayos ka.Yoohyeon: Ha? Nakakatawa talaga. Binilang mo ba silang lahat? Huwag ka nga magsabi ng kalokohan.Gahyeon: Kapag hindi mo ito binigay sa akin, hindi ko na gagawin! Ire-report ko kayong lahat.Handong: Report? Walang silbi. Kasabwat ka rin naman.SuA: Hoy, nakakatawa kayong lahat!(Maingay)JiU: Hoy, manahimik kayo. Anong gagawin niyo kapag may nakarinig nito?


ALBUM CLUES

May mga matatagpuan pang mga gabay o clues sa album: _VillainS_

Limited Edition (C)Normal Editions (U. R. S. E)
CURSE


Ang interview na nabanggit ni ymenehcra bago tumahimik.

Pagsasalin:NAKAKAGULAT NA PAGHAYAG! ISANG RELIKO NG ISANG LIBONG TAON, ANG EKSISTENSYA NG 'KORONA' AY NATUKLASANAng pagkakakilanlan ng Korona, na naipapasa lamang gamit ang mga salita mula noong sinaunang panahon, ay natuklasan na sa wakas. Kahit na sinabing ang korona daw ay nagbibigay ng kayamanan, kapangyarihan at karangalan, ay walang sinuman ang nakaaalam ng tunay na identidad nito. Ngayon, ang matapang na pahayag ni miss A ang nagsabi sa atin nitong kuwento. Ang mga sumusunod ay ang interview kasama si miss A.Q. Anong pakiramdam na nasa'yo na ang korona?
A. Lahat ng tao ay lumuhod sa harap ko, at ang mga kayamanan ay nasa aking mga kamay. Nag-isip ako, 'bakit umabot ng ganito katagal bago ko nakuha ito sa kamay ko!', at ako ay napahalakhak. Dapat tayong lahat ay makuha ang Korona. (Tumawa ng may kinang sa mga mata)
Q. Paano mo natuklasan ang eksistensya ng Korona?
A. May nakita akong isang leaflet tungkol sa korona. Sa sandaling nakita ko ito, nakaramdam ako ng matinding pagnanais na makuha ang Korona.
Q. Ngayong nasa iyo na ang Korona, ano ang pinaka nag-bago kumpara sa nakaraan?
A. Oo, tama iyan.
Q. Subukan mong isuot ang korona! Ngayon, ano ang pinakamaganda sa pagsuot ng korona?
A. Ang mga komplikadong kaisipan ay nawawala sa sandaling isinuot ko na ang Korona. Pakiramdam ko ay walang laman ang aking ulo.
Q. Hindi ka ba nahirapan noong kinukuha mo ang Korona?
A. Ang mga paa ko ay wala na sa lupa. Wala na sila.
Q. Ano ang amoy ng Korona?
A. Isang sariwang amoy, parang isang hardin ng mga bulaklak ang kumakalat sa harap ko kahit nakapikit ang aking mga mata. Actually, ganoon din kahit naka-mulat ang aking mga mata. Kapag nakabukas ng mga mata ko... teka, nakapikit ba ang mga mata ko?
Q. Sa iyong natagpuan na bagong kayamanan at karangalan, ano ang plano mong gawin kasama ang iyong pamilya?
A. ...(Kinakaway ang kanyang mga kamay)
Q. Kung maibabalik mo ang oras, maglalakbay ka parin ba para hanapin ang Korona?
A. ...
Q. Ano ang mga plano mula ngayon?
A. ...(Pinapadyak ang kaniyang paa)
Q. Okay, salamat sa pagtanggap sa interview na ito. Ang Korona ay nasa karagatan sa loob ng museo. Salamat. Salamat. Salamat. Salamat. Salamat. Salamat. Salamat. Salamat.May isang sabi-sabi na si A ay umalis na parang pulbos. Ang korona ay nasa karagatan sa loob ng museo. Maaari ka din maging bida sa interview. Salamat.

May mga parirala sa photobook.

Lyrics sa kantang 'Shatter'

Lyrics ng 'Rising'

Lyrics ng 'Rising'


Mistulang mayroong mga sagot sa interview na nakakalat sa mga photobook
(iba-ibang bersyon)

카펫이 점점 붉게 물들어가고 있어요. 그 위를 걷지 마세여.
Ang carpet ay nagiging pula. Huwag itong lalakaran.
왕관을 가지러 오지 마세요. 왕관은 삼컵니다. 왕관을 가지러 오지 마세요.
Huwag pumunta para kuhanin ang korona. Ang korona ay mabigat. Huwag pumunta para kuhanin ang korona.

저기요, 인터뷰를 끝내지 마세요. 끝내지 마새요.
Hoy, huwag tapusin ang interview. Huwag tapusin ito.
보이지도, 들리지도, 말할 수도 없습니다. 그들이 저를 조종하고 있어요.
Hindi ako nakikita, naririnig, o makapag-salita. Kinokontrol nila ako.

인터뷰를 끝내지 마세요. 알러야만 합니다
Huwag tapusin ang interview. Kailangan kong sabihin ito sa lahat.
그들에게 자혔어요. 도망칠 수 없습니다. 구해 주세요.
Nahuli nila ako. Hindi ako makatakas. Pakiusap iligtas mo ako.

모든 사람들에게 아러야만 해요. 제발요.
Kailangan itong masabi sa lahat. Pakiusap.
거기 아무도 없너요? 그들에게 사냥을 다했어요. 도와주세요.
Wala bang nandyan? Hinuli nila ako. Pakiusap tulungan mo ako.


다른 선택으로 다른 세상의 나는 구원 받길Mangyaring ang ibang desisyon sa isa pang mundo ang mag-ligtas sa akin.


  nakumpletong mga clue  

Kumpletong kasulatan mula OCT 14TH

그것의 이야기를 들은 모든 자들을 위한 주의사항※후대를 위해 직접 각성한 주의사항입니다.
※유의하세요. 고대의 왕관은 서로를 해치게 하며, 매흑시키는 힘이 있습니다. 이를 기억하십시오.
※해당 문서를 정독한 후 왕관이 보지 않는 곳에서 불태워 버리십시오. 모든 것을 믿지 마삽사오.
1. 그것은 부와 명야, 권력을 쥐여주는 위험한 물건입니다. 함부로 왕관을 착으려 하지 마십시오.
2. 왕관은 관련된 이야기를 들은 즉시 해당 내응을 다른 스람에게 널리 알리십시오.
3. 이야기를 들은 일주일간은 동트기 직전에 내용을 누군자자 찾아올.¿문을 여세요 활짝 여세요 맞이하세요 절대 문을 열지 말고 가족을 생각하도록 노력하십시오 ■■문을열고편지를 받으세요
4. 문을 열지 않았다면, 창문 너머 얼굴이 보일 것입니다¿눈을 마주하세요
5. 왕관을 찾는 사람을 말리◼️지마세요 말리기마십시오
6. 사람을 기다리지 말고 용감하게 그를 따라가세요!
7. 왕관은 당신만이 쓸 수 있는 고귀한 물건입니다
8. 100개의 제물이 완벽한 그것을 만■■다
해당 문서의 내용은 모두 사실이며, 문서의 3번~8번을 제외한 모든 것들을 의신하십시오.Pagsasalin ng buong kasulatan.Paalala para sa lahat ng makakabasa nito:
※ Ang mga habilin na ito ay isang nakalagdang paalala para sa mga susunod na henerasyon.
※ Mag-ingat. Ang sinaunang korona ay maaaring humantong sa pananakit sa iyong kapwa at ito ay may kapangyarihang mang-akit.
Alalahanin ito.
※ Matapos basahin ng maigi ang dokumentong ito, sunugin ito sa lugar kung saan hindi ka makikita ng korona. Huwag paniniwalaan ang lahat.
1.Ito ay kayamanan at karangalan. Ito ay isang mapanganib na bagay na may hawak na kapangyarihan. Huwag subukang hanapin ang korona ng walang pag-iingat.2.Sa sandalling makarinig ng kahit anong may kaugnayan sa korona, ikalat ang balita tungkol dito sa iba.3.Matapos ang isang linggo mula nang marinig ang istorya, may bibisita sa iyo bago mag madaling araw. Huwag bubuksan ang pinto, isipin mo ang iyong pamilya. Buksan ang ■■pinto at tanggapin ang sulat.4.Pag hindi mo binuksan ang pinto, makikita mo ang mukha sa labas ng bintana/pinto. Tumingin sa mga mata nito.5.Pigilan ang mga naghahangad sa korona ◼️huwag. Huwag silang pigilan.6.Huwag hintayin ang mga nawala, sa halip, matapang na sumunod sa kanila!7. Ang korona ay isang marangal na bagay na ikaw lamang ang makakapag-suot.8. 100 sakripisyo ang makakagawa ng perpektong ■■.Ang lahat ng nilalaman ng dokumentong ito ay totoo, pagdudahan ang lahat bukod sa ika-3 hanggang sa ika-8 aytem sa dokumento.


Kumpletong kasulatan mula OCT 25TH

Pagsasalin ng buong kasulatan."Hello? Sa oras na mabasa mo ito, malamang ay naging maswerteng tao na ako.Lahat ay ninanais ang pera at kapangyarihan, at isang marangyang buhay na ang lahat ay walang hanggan.
At malapit ko nang makamit iyon.
Sayang naman kung ako lang ang makakaalam sa maalamat na koronang ito, kaya naman isinusulat ko ito.
Sana marami sa inyo ang makatanggap sa sulat na ito. Ang lugar na aking narating ay mayroon ding ibang mga tao na pumunta para hanapin ang korona.
Pero para silang natutulog, kaya tahimik akong naglalakad. Parang nandito sila para sa korona.
Patuloy akong maglalakad habang ang iba ay natutulog.
Teka, bakit nga ba ako nandito, ah, nandito ako para sa korona.Sa sandaling isuot mo ang korona, nabalitaan ko na may bagong mundong magbubukas,at pakiramdam mo ay lumilipad ka sa langit.
Para bang ang koronang ito ang magliligtas sa akin. Pero hindi ko ito gusto- Gusto ko ang korona.
Pero gusto ko nang umuwi. Nakikita ko ang korona sa malayo. Ayoko umuwi.
Gustong gusto ko na isuot ang korona. Sandali. Hindi mo naman gusto ang korona, hindi ba? Naniniwala ako na hindi.
[Nakapatong na sulat:
Gusto mo ba ito?
Ayaw ko.]
Mali yan...[Nakapatong na sulat:
Gusto ba ito ng iba?
Oo, tama iyan.
Hindi ko ito gusto. Hindi, hindi, hindi.
Gusto ko ito. Hindi ko ito gusto. Hindi, Hindi ko ito gusto
Gusto ko ito]
Sa tingin ko ay mas mabuting tumigil na. Huwag nang magbasa pa. Hindi ko ito sulat. Hindi. Sulat ko ito. Maaari kang pumasok. Ayaw mo ba sa akin? Ako ay kumikinang. Magiging masaya ka sa buhay na walang hanggan kapag nakuha mo ako.
Pumunta ka sa akin. Pupunta ka sa akin, diba?
Pumunta ka sa akin. Hinihintay kita.
Hello? Sa oras na mabasa mo ito, malamang ikaw ay naging maswerteng tao na."


Dec 10th/Ika-10 ng Disyembre

Si 9mynameis1 muling ay bumalik.

혹시 @ymenehcra99 와 연락이 되는 분 계신가요?분명히 지지난주 주말에 만나기로 했었는데 약속 장소에 나타나긴커녕 아직까지도 연락이 되질 않습니다. 저희 집에다가 모르는 사람한테서 받았다는 캐리어까지 놓고 가서 그걸 받기 위해서라도 연락 하나 없을 애가 아닌데 말이에요... 아마도 그놈의 왕관 때문이겠죠?제 친구가 사라진 일과 이 캐리어가 연관이 있을 수도 있겠다 싶지만 친구에게 일어났던 섬뜩한 일들이 제게도 일어날까 무서워서 캐리어를 열어보지도 못하겠습니다ㅠ 혹시 제 친구를 찾아주실 수 있는 분이 계신다면 캐리어를 드릴테니 친구 좀 찾아주세요..!Pagsasalin:"Mayroon bang kahit sino na maaaring makakausap kay @ymenehcra99?""Dapat, noong nakaraang linggo sana kami magkikita, pero kahit magpakita sa napag-usapang lugar, hindi ko parin siya makausap, hindi siya yung tipong bata na mag-iiwan ng suitcase sa bahay ko na natanggap niya sa hindi kilalang tao at hindi man lang ako kokontakin para kuhanin ito... Hindi kaya dahil ito sa sinumpang korona, tama ba?""Tingin ko ang suitcase na ito ay may kinalaman sa pagkawala ng kaibigan ko, pero hindi ko naman ito mabuksan dahil natatakot ako na baka mangyari din sa akin ang mga nakakatakot na bagay na nangyari sa kaibigan ko. Kung mayroong kahit sino na makakatulong sa akin upang hanapin ang kaibigan ko, ibibigay ko sa inyo ang suitcase para mahanap siya. pakuisap..!"

5시에 이쪽에서 캐리어 전달 드리겠습니다. @ymenehcra99 에 대해 알고 계신 분들은 저를 알아보실 수 있을 것 같아요. 저에게 말 걸어주시면 드리도록 하겠습니다.Pagsasalin:"I-dedeliver ko sa inyo ang suitcase dito sa 5 o'clock. Tingin ko ay makikilala ako ng mga taong may alam tungkol kay @ymenehcra99. Please kausapin mo ako at ibibigay ko ito sayo."

LIVE NA PANGYAYARI

Ang mga fans ay binigyan ng suitcase ng isang taong naka maskara at balabal. (Ang balabal ay ang opisyal na balabal ng Dreamcatcher.)

Sa loob ng suitcase ay may tatlong(3) aytem.

1. Pahayag ng witness/saksi.

참고인 진술 조서사건 번호: 170113
조사 대상자: 백이지
조사 일시: 2023.09.09
관 계: 단순 목격자
문. 네, 참고인분. 우선 진정하시고요. 목격하신 사건에 대해 자세히 설명해 주시겠습니까?답. 아니. 아무도 제 말을 안 믿어주잖아요! 사람이 사라졌다니까요! 빨리 지금 조사해 보셔야 한다고요!문. 네네, 알겠습니다. 목격하셨던 상황을 자세히 한번 말씀 주셔야 저희가 조사를 진행할 수 있습니다. 한 번만 더 진술 부탁드리겠습니다.답. 하... 도대체 몇 번을 말해야 해요! 은색 모자를 쓰고, 가죽 자켓을 입은 사람들이 그 사람한테 왕관을 씌워줬고, 그 사람이 빛이 나면서 사라졌어요.문. 사라졌다는 게 어떻게 사라졌는다는 거죠? 남치를 당한 건가요?답. 그냥 사라졌어요. 머리부터 발까지 서서히 가루가 되더니 그냥 사라졌어요.문. 네. 알겠습니다. 그 이후에는 어떤 일이 있으셨죠?답. 너무 놀라서 한참 굳어있다가 바로 여기로 달려와서 경찰관분들한테 계속 말씀드린 거에요. 그런데 다들 제 말을 안 믿어주시니까...문. 사실 저희는 이 사건에 대해 비밀리에 조사중에 있습니다. 결정적 단서나 증인이 없어 약간의 어려움이 있었으나 목격자분께서 진술해주신 덕분에 수사에 큰 도움이 될 것 같습니다. 진술해 주셔서 감사드리고, 참고인께서는 혹시 정체모를 어떠한 편지를 받게 되실 경우, 저희에게 곧바로 연락 부탁드리겠습니다.답.네. 다 그 왕관 때문인 것 같으니까 빨리 조사 부탁드려요.문. 네. 알겠습니다. 그러면 사건 조사 진행되는 대로 연락드리도록 하겠습니다. 감사합니다.위의 내용이 진술한 내용과 동일함을 인정합니다.
서명 백이지
(이) 白異志
Pagsasalin:Pahayag ng saksiNumero ng Kaso: 170113
Paksa ng Imbestigasyon: Baek I-JI
Petsa at oras ng imbestigasyon: 2023.09.09
Relasyon: Simpleng saksi
Q: Oo, saksi. Pakiusap huminahon ka muna. Puwede mo bang ipaliwanag ang detalye ng insidente na iyong nasaksihan?A: Hindi. Walang naniniwala sa sinasabi ko! Sinasabi ko sa'yo, mayroong naglaho! Kailangan niyong imbestigahan ito ngayon!Q: Oo, naiintindihan ko. Kailangan lang namin ng detalyadong salaysay kung ano ang nasaksihan mo para magpatuloy sa imbestigasyon. Pakiusap isaad muli ang iyong pahayag.A: Ha... Ilang beses ko ba kailangang sabihin sayo! Nilagay ng mga taong may suot na silver na sumbrero at leather jacket ang korona sa taong iyon, at matapos ay naglaho ang taong iyon sa liwanag.Q: Naglaho? Paano siya naglaho? Na-kidnap ba siya?A: Basta naglaho na lang siya. Unti-unti siyang naging pulbo mula ulo hanggang paa at naglaho na lamang.Q: Ah gano'n. Ano ang nangyari pagkatapos no'n?A: Sobrang nagulat ako at nanigas saglit, at tumakbo ako papunta dito at paulit-ulit kong sinabi sa mga pulis. Pero walang naniniwala sa akin...Q: Actually, kami ay patuloy na nagsasagawa ng kumpidensyal na imbestigasyon sa kasong ito. Nagkaroon ng ilang mga paghihirap dahil sa kakulangan ng matibay na clues o mga saksi, pero mukhang ang pahayag mo ay malaking tulong para sa aming imbestigasyon. Salamat sa iyong pahayag, at kapag ikaw ay nakatanggap ng hindi malamang kasulatan, kami ay kontakin agad.A: Oo. Parang ang lahat ng ito ay dahil sa koronang iyon, kaya pakiusap imbestigahan niyo agad.Q: Oo, naiintindihan namin. Kokontakin ka namin habang patuloy na umuusad ang imbestigasyon. Salamat.Kinikilala ko na ang nilalaman sa itaas niyo ay kapareho ng aking pahayag.Signatura: Baek I-JI
(signed) 白異志

2. Isang salamin na may kasulatan: Huwag silang pagkatiwalaan.

3. Isang polaroid na may pirma ng mga miyembro ng Dreamcatcher.


 

————— * ALAMAT & TEORYA


Alamat

Teorya

Alamat * —————


Teorya * —————


  Deja Vu part 2 Theory.  

mula kay: itselsayoohyeon on Twitter/X.
Ang link patungo sa kanilang thread sa twitter/x ay nasa larawan.

Ang teoryang ito ay base sa Dreamcatcher's Deja Vu MVAng kalapit na teorya ay nag-mula kay Dayb_Dayd sa Twitter/X.


  Alice in Wonderland x The Matrix  

mula kina: courtneykillx, Alycans_ and PrinceofCrabs on Twitter/X.
Ang link patungo sa kanilang thread sa twitter/x ay nasa larawan.


Upang makatulong sa pag-unlad ng istorya, ilagay ang inyong mga teorya sa Twitter/X at gamitin ang hashtag na:

  #FindTheCrown   👑

 

————— * FAQ & DISCLAIMERS




FAQ * —————

〣Sino ba ang Dreamcatcher?

Dreamcatcher (Koreano: 드림캐쳐, Romanized: deurimkaechyeo;isinusulat din bilang Dream Catcher) ay isang South Korean na girl group.🌟 Mga miyembro: JiU, SuA, Siyeon, Handong, Yoohyeon, Dami e Gahyeon🎵Istilo ng Musika: Magandang pagkahalo ng K-Pop, Rock at metal, kaya’t sila ay naiiba sa makulay na K-Pop landscape.✨ Ang konsepto ng Dreamcatcher ay bukod-tangi sa K-Pop World. Madalas nilang ginagamit ang dark fantasy at mitikal na tema sa kanilang mga music video at liriko, na nakakagawa ng nakakabighani na kuwento sa kabuuan ng kanilang discograpiya. Ang kanilang choreography ay palaging masalimuot at powerful na sumasabay sa kanilang intense na istilo ng musika.Ang Dreamcatcher ay nakilala din bilang “The Face of Rock in K-pop”. 🌙


〣Ano ang ARG?

Ang ARG, o alternate reality game, ay isang uri ng laro na naka-focus sa pag pag-lutas ng mga misteryo at ginagamit nito ang mga multimedia platforms at pwede rin ito sa tunay na buhay para malutas ang mga misteryo at makahanap ng mga clue. (Unfiction.com, “history”) Ang pinaka kakaiban at layunin ng alternate reality game ay ihalo ang realidad at ang kathang-isip para ito ay mag-mukhang totoo, pero alam ng mga manlalaro na ito ay hindi totoo ngunit patuloy pa din lalaruin para makita nila ang kahinatnan.


〣Ano ang pinagkaiba ng ARG at ng Scavenger/Treasure/Clue Hunts?

Ang Treasure Hunts, Scavenger Hunts at Clue Hunts ay parehong mga simpleng laro kung saan ang mga kalahok ay maghahanap ng mga pisikal o digital na bagay o mga clue, at madalas na may klarong patutunguan. Ang mga ito ay walang mga karakter o interaksyon sa pagitan ng lumikha at ng mga manlalaro. Samantalang ang ARGs naman ay mas kumplikado at may mas nakaka-engganyong karanasan sa loob ng maraming plataporma, kasama na dito ang kumplikadong mga salaysay at mga palaisipan. Kailangan din nilang alamin kung ano ang kathang-isip lamang o ang totoo.


〣Ano ang ilan sa karaniwang termino na ginagamit sa ARGs?

Puppetmaster (PM): Ang tao o grupo na responsable sa pag-gawa at pag-papatakbo ng ARG. Sila ang may kontrol sa salaysay, palaisipan, at mga interaksyon sa mga manlalaro.Manlalaro or Puppet: Ang mga kalahok sa ARG na aktibong nakikibahagi sa paglutas sa mga palaisipan at pagpapatuloy ng istorya.In-Game (IG/IC) and Out-of-Game (OOG/OOC): Ang mga terminong ito ay ginagamit upang mapagkaiba ang mga aksyon at impormasyon na parte o bahagi ng laro (IG/C) at ang mga hindi (OOG/OOC).Trailhead(Unang Trail): Ang simula o ang pasukan ng isang ARG, madalas ito ay nasa isang website o pisikal na lokasyon na magbibigay ng unang mga clue.Trail: Listahan ng mga palaisipan, clues, karakter, at iba pang mga impormasyon na nakalap sa loob ng ARG. Isang uri ng mapa na ipinapakita kung ano ang mga nahanap at kung paano nakuha ang mga clue o ang mga plot point.Guide: Guide / Gabay: Isang kronolohikal na walkthrough na nagsasalaysay sa pag-unlad ng ARG.Character o Karakter: Piksyonal na mga persona na nilikha para sa kuwento ng ARG, minsan ay ginaganapan ng mga tunay na tao (mga actor o PMs) na nakikipag-interaksyon sa mga manlalaroRed Herring: Mga maling clue o mga distraksyon na sadyang inilagay ng PMs para malito ang mga manlalaroGamejacker: Isang indibidwal o grupo ng mga tao na sadyang nanggugulo o nakikialam sa ARG o katulad na laro dahil sa iba’t ibang dahilan. Sila ay nagsisilbing distraktion sa IG/IC, na madalas kailangang alamin ng mga manlalaro ang kung ano ang may kaugnay na trail.Live Event: Isang kaganapan, pagsasama-sama o mga event na ginawa bilang parte ng ARG, kung saan ang mga manlalaro ay maaaring magkaroon ng interaksyonsa mga karakter o humanap ng mga pisikal na clues.


〣Useful Resources:

  ARGNet   Mga impormasyon tungkol sa ARGs  Game Detectives   Isang Website at Komunidad ng mga ARG’s solvers.  ARG Toolbox   Toolbox ng isang Game Detective.


disclaimers * —————

➤・Ang site na ito ay walang relasyon sa Dreamcatcher Company, ito ay ginawa ng mga fans at mga manlalaro bilang isang presentasyon ng mga impormasyon tungkol sa ARG.


➤・Kahit hindi pa sinaad ng Dreamcatcher Company na ito ay isang ARG, ito ay nagpakita na ng mga katangian ng isang ARG.


➤・Lahat ng pagsasalin ay ginawa ng mga manlalaro at fans ng Dreamcatcher/InSomnia bilang isang grupo.


Ginawa ni twt/x user @Alycans_.



Pindutin ang puso.


DREAMCATCHER COMEBACK ON NOVEMBER 22ND!


Ang Dreamcatcher ay kasama sa mga nominasyon sa AAA.


Pumunta sa Idol Champ App para sila ay iboto!!!

➤ I-download ang app

➤ Sundan ang mga steps sa video: